WaW Funny Wedding Proposals Part 2
[x_section style=”margin: 0px 0px 0px 0px; padding: 45px 0px 45px 0px; “][x_row inner_container=”true” marginless_columns=”false” bg_color=”” style=”margin: 0px auto 0px auto; padding: 0px 0px 0px 0px; “][x_column bg_color=”” type=”1/1″ style=”padding: 0px 0px 0px 0px; “][x_text]Editor’s Note: We promised to share more funny WaW wedding proposal stories this week and we thought this one gets the cake!
Have a good laugh as you read the wedding proposal story of WaWie Allia Donna Go a.k.a. Ang Assumptionista. [/x_text][/x_column][/x_row][/x_section][x_section style=”margin: 0px 0px 0px 0px; padding: 45px 0px 45px 0px; “][x_row inner_container=”true” marginless_columns=”false” bg_color=”” style=”margin: 0px auto 0px auto; padding: 0px 0px 0px 0px; “][x_column bg_color=”” type=”1/1″ style=”padding: 0px 0px 0px 0px; “][x_text]The First Time
Every Christmas naman ay may exchange gift kami ni H2B (Husband-to-be).
Year 2013 nung nagsimula na ‘ko magpahiwatig sa kanya na gusto ko na lumagay sa tahimik. So nung napag-usapan namin ‘yung exchange gift, talaga namang excited ako. Tinanong ko s’ya ano’ng gift n’ya sa ‘kin. Siyempre ayaw nya sabihin.
Tapos humingi ako ng clue. Sabi nya sobrang matutuwa raw ako, maiiyak pa raw ako. Eh di lalo akong na-excite. Then sabi ko starts with letter ano yung gift nya. He said ‘S’.
Aba yung puso ko tuwang-tuwa na nung mga panahong ‘yun! Nak’wento ko rin sa mga friends ko, mas atat kasi sila sa `kin.
Sabi pa nung isang friend ko, hindi naman siguro ako papaasahin ni Erick nang ganun since he knew I wanted to get married already. Kaya talagang yung ‘S’ na yun ay naiisip kong “sing-sing”.
Come the assumed proposal day, napag-usapan namin mag-exchange gift sa araw ng kasal ng barkada n’ya. Nagpunta ako sa house nila para sabay na kami punta sa kasal.
Pagpasok ko palang sa gate nila, tumatakbo sya sa `kin may dalang malaking box. Then he greeted me Merry Christmas sabay abot ng gift.
It was a minion! Si Stuart. Heartbreaking (Mimma)! At naiyak nga ako nang slight. Pero nagsasalita naman yung minion eh, saka favorite ko talaga `yung mga alien na `yun. Kaya sige patawarin na.
The Second Time
Despite incident #1, hindi pa rin ako tumigil mag-expect. On our 3rd anniversary, we went to Batanes to celebrate. Sobrang scenic ng lugar, nakakaiyak sa ganda. So ayun, expect na naman ako. Nakakita pa kami ng proposal mismo on one of our tours.
On our last night, nagpa-reserve kami sa Bunkers Cafe para magdinner, `yun din kasi exact date ng anniv namin. So ayun mega expect ako. Sinisipat ko yung bulsa n’ya kung may umbok. Hahaha!
Dumating na `yung dessert at natapos na kami kumain. Walang question at walang sing-sing. Oh well, mas marami lang talagang magagandang bato sa Batanes, hindi pa nga lang kasali yung bato para sa `kin.
The Third Time
On our 4th anniversary and his 32nd birthday, we went to HK and Macau. Ako nag-ayos ng itinerary, pero shine-share ko sa kanya saka tinatanong ko sya kung may gusto s’ya puntahan for dinner, hehe, s’yempre eto na naman ako.
Saka nabi-buildup din kasi ng friends and officemates na tuwing may trip kami eh this is it na. Saka eto rin ‘yung first out of the country trip namin na kami lang. Kaya ayun!
So, pinangarap ko na habang nagfa-fireworks sa Disneyland eh ayun na. Bago mag-fireworks, pumasok kami sa isang store para mamili ng souvenirs. Ang haba ng pila sa bayaran, tapos malapit na mag-fireworks. Ayun nagsimula na, nakapila pa rin kami. Sabi nya, sya na lang magbabayad, takbo na ko sa labas para manood.
Medyo napaisip ako kung dun na nga, baka kako maghahanda pa s’ya. Kaya lumabas na nga ako. Patapos na ung fireworks nung dumating sya. Hehe nahati tuloy focus ko.
Kaso, natapos na yung fireworks, walang sing-sing ulit. Hayun… pero at least enjoy naman `yung trip na ‘yun.
Fourth Time’s the Charm
On my 29th birthday, we went to New Zealand.
Sabi ko sa sarili ko, last ko na mag-eexpect sa birthday ko. After nun, never na talaga. Ang hirap kasi hindi mag-expect Mimma. O baka ako lang yun? Hahaha!
Ayun, sa mismong birthday ko, nagpunta kami sa snow, naglaro sa snow, gumawa ng snowman. Perfect din pala naisip ko kung sa snow s’ya mag-propose kasi favorite season ko ay winter at kasama pa namin bestfriend ko sa trip na ‘yun, may mag-pipicture hahaha!
Pero sa sobrang enjoy, nakalimutan ko naman expectations ko.
Pero nung kinagabihan, nasa cabin na kami, bumalik na naman. Sabi ko sa sarili ko, hala, matatapos na birthday ko, wala pa rin.
‘Yung mga kasama namin, with my bestfriend, sumamba muna kasi INC sila. So kami lang ni H2B naiwan sa cabin.
Tinulugan ko sya. Sa pagod din siguro saka medyo nalungkot ako kasi mukhang wala na talaga balak yun mag-propose.
Kinabukasan, gala ulit. Luge ride, picture sa Rotorua, Hobbiton…. Lumipas na naman ang araw, pero hindi na ko ganun nag-eexpect.
Yung last part ng trip namin eh stargazing sa Lake Tekapo. Kami lang nagpunta dun, hindi na sumama ung bestfriend ko. Ine-enjoy ko na lang yung trip na ‘yun, wala na ko expectations. Natanggap ko na hindi sa trip na yun mangyayari.
Niyaya nya ko pumunta sa tabing lake. Ang ganda ng view! Turquoise lake, snowy mountains… Sabi ko sa kanya picture kami. Then sabi n’ya, bago kami mag-picture, may sasabihin siya.
Lumuhod siya bigla sabay labas ng box!
Binuksan niya yung box then “Marry me” sabi nya.
Waaah, ganun pala un! Nakakaiyak talaga sa tuwa!
So ayun, he proposed 3 days after my birthday, when I was no longer expecting it and I’ve accepted already that it won’t happen in NZ.
The Proposal that almost happened
Side-kwento lang din pala. Dapat daw sa cabin sya magpo-propose para sakto birthday ko at intimate. Gusto niya sa private daw mag-propose eh. Eh kaso, tinulugan ko nga sya.
Saka muntik na raw na sa airport sya mag-propose. Hahaha!!! Kasi yung last inspection before kami mag-board ng plane, as in kakalkalin yung gamit.
Nauna ako magpa-inspect, after ako kapain, lumingon ako kasi parang may commotion. Nagtatawanan sila nung inspector. Palusot niya nun hinalungkat daw briefs nya. Hahaha! Tapos nung kinukwento na nya sa `kin, nilabas daw nung inspector yung box saka tinanong sya “Sir, ano laman nito, sing-sing ba? Buksan niyo nga.” Hinablot daw niya yung box tapos sakto nung lumingon ako, nagtatawanan na sila.
Ayun, napa-whew sya. Kasi mapapasubo sya kung sakali. Hahahaha!
[/x_text][/x_column][/x_row][/x_section][x_section style=”margin: 0px 0px 0px 0px; padding: 45px 0px 45px 0px; “][x_row inner_container=”true” marginless_columns=”false” bg_color=”” style=”margin: 0px auto 0px auto; padding: 0px 0px 0px 0px; “][x_column bg_color=”” type=”1/1″ style=”padding: 0px 0px 0px 0px; “][x_text]We’ve got two more funny but memorable WaW Wedding Proposal stories in our archive that we can’t wait to share with you here in WaW. As you can see, sometimes assuming is fine because the moment makes all the waiting and the assuming worth it. Take for example, Allia. Weren’t you already rooting for her while reading her story?
[/x_text][/x_column][/x_row][/x_section]